Wednesday, June 30, 2021

Batangas PPO binisita ni PLTGEN ISRAEL EPHRAIM T DICKSON

Mainit ang naging pagtanggap ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Acting Provincial Director PCOL GLICERIO C CANSILAO kay PLTGEN ISRAEL EPHRAIM T DICKSON, The Deputy Chief PNP for Operations sa kanyang pagbisita noong Miyerkules, Hunyo 30, 2021 sa Camp Gen. Miguel C Malvar, Batangas City.

Ipinahayag ni PLTGEN DICKSON ang kanyang kasiyahan na mabisitang muli ang Batangas PPO bilang siya ay dating naglingkod sa probinsya ng Batangas bilang Company Commander ng 401st Provincial Maneuver Group ng 2 taon noong 1998 sa Palico, Nasugbu, Batangas.

Sa isinagawang “Talk To Men” ipinaalala niya sa kapulisan ng Batangas PPO ang mahigpit na pagpapatupad ng Intensified Cleanliness Policy ni Chief PNP PGEN GUILLERMO LORENZO T ELEAZAR nang sa gayon ay mas mapalapit ang PNP sa komunidad. Aniya, napakahalaga ng performance na ginagawa ng bawat yunit ng PNP lalo na ang tinaguring QUAD Staff - Police Intelligence, Police Operations, Police Community Relations, at Police Investigation nang sa gayon ay makamit ng PNP ang Intensified Cleanliness Police in Community nang sa gayon ay makuha ang kanilang tiwala at suporta at mula dito ay mapapanatili na natin ang peace and order at mas magiging maunlad ang pamayanan na ating pinaglilingkuran.

Sa kabilang banda, ipinakita ni PCOL CANSILAO ang Opisina ng Provincial Operations and Management Unit kung saan naririto ang Enhance Managing Patrol and Deployment (EMPD) system na ginagamit ng BPPO upang matukoy ang lokasyon ng ating mga patrollers at mobile patrol nang sa gayon ay mas mapabilis ang reaksyon ng ating kapulisan sa pagtugon sa mga insidente o krimen na kung saan, malo-locate agad kung sino ang pinakamalapit sa lugar ng insidente.

"Ikinagagalak ng ating kapulisan mula sa Batangas PPO ang naging pagbisita ng ating TDCO kasama ang ating iginagalang na Regional Director PBGEN CRUZ at maipabatid muli sa ating kapulisan ang kahalagahan ng mga programa ng PNP dahil ito ay para rin sa ikabubuti hindi lamang ng kapulisan kundi maging ng buong pamayanan”. –PCOL CANSILAO ###piobatangasppo


No comments:

Post a Comment