Sa kabila ng patuloy na pagbabantay sa kalagayan ng Taal Volcano, naiulat ng DOST-PHIVOLCS base sa kanilang Taal Volcano Advisory na inilabas noong ika-12 ng Hunyo taong kasalukuyan, ang mataas na antas na pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ng bulkan. Ang mga aktibidades na ito na nao-obserbahan na may pananahimik sa paglindol ay nagbababala hindi lamang ng patuloy na pagliligalig ng magma kundi pati na rin sa direktang epekto ng gas mula sa bulkan sa mga populasyon at lokal na ekonomiya sa paligid ng lawa ng Taal.
Kaugnay ng epekto ng pagbuga ng SO2 gas mula sa bulkan, ipinapaalala at inuulit rin sa publiko na ang Bulkang Taal ay kasalukuyan pa rin na nakataas sa Alert Level 2. Kalakip ng pahayag na ito mula sa RDRRMC, ang ilan sa mga paalaala mula sa DOST-PHIVOLCS patungkol sa panganib na maaring idulot ng sulfur dioxide particular sa kalusugan at epekto nito sa lokal na ekonomiya.
Kung kaya, mariing pinaaalalahanan ng RDRRMC CALABARZON sa pangunguna ng Office of Civil Defense CALABARZON ang lahat ng mga concerned Provincial, City at Municipal DRRM Councils na nakapaligid sa Bulkang Taal na pag-ibayuhin ang pagbabantay sa kalagayan ng bulkan at gawin ang nararapat na aksyon upang makaiwas o malimitahan ang posibleng epekto ng pagbuga ng sulfur dioxide mula sa bulkan.
Maging mapagmatyag, siguraduhin ang kahandaan ng bawat isang pamilya sa anumang maaaring maging epekto ng bantang panganib na ito at patuloy na maging updated sa mga informasyon mula sa surveillance at warning agency na may tiyak at opisyal na datos patungkol sa mga bagay na ito. Umiwas sa fake news para sa kapanatagan at kaligtasan ng lahat. | via Civil Defense Calabarzon
No comments:
Post a Comment