ni: Ana Marie Demerin
Lubos ang pasasalamat ni Brgy Chairman Darwin P. Guevarra ng Sitio Ulik, Brgy Mabacan, Calauan, Laguna dahil isa sa kanyang Ka-Barangay ay boluntaryong nagpa-abot ng tulong sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pag organisa ng Community Pantry.
Ayon pa kay Chairman Guevarra, dalawang beses na aniya etong isinagawa ang pagbibigay ng ayuda sa kanilang Brgy na ang una ay ginanap noong nakaraang buwan, Mayo 29 na umabot sa mahigit dalawang daang benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda at ngayong araw ng Linggo, Hunyo 27 ay umabot naman sa mahigit tatlong daang pamilya ang nakinabang .
"Masaya po ako, kaming mga taga Sitio Ulik at mga taga Purok 2 dahil mayroon po kaming ka-Barangay na may mabuting puso at hindi nag dalawang isip na tumulong lalo na ngayong panahon ng pandemya. Nagpapatunay lamang po na hindi pa rin nawawala ang" Spirit of Bayanihan" sa Brgy Mabacan dahil kahit sa panahon ng kagipitan ay nagtutulungan at nagdadamayan pa rin", aniya ni Guevarra.
"Nagpapasalamat po kami kay Ma'am Evelyn Oliveros, Ma'am Norma Apacionado at sa kanilang mga kasamahan dahil sa naisipan nilang mag organisa ng ganitong klaseng proyekto", dagdag pa ni Guevarra.
Sinabi naman ni Madam Evelyn Oliveros, may-ari at nagtayo ng Pook ni Remedios Community Pantry na hindi daw sa kanya dapat magpasalamat kundi sa ating Mahal na Panginoong Diyos dahil aniya eto ang nagbigay sa kanya ng mga taong may mabubuting puso upang magpa abot din ng mga tulong kung kaya't labis din ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak na walang humpay ang suporta sa pagtulong sa kaniyang proyekto.
Dagdag pa ni Oliveros na hangga't may nagbibigay ng donasyon o may magpa-abot ng tulong ay tuloy-tuloy din aniya ang kanyang Community Pantry para sa kanyang mga ka-barangay. Dahil para sa kanya ang bigay ng Diyos ay dapat lamang ibahagi din sa mga nangangailangan.
Buo din ang pasasalamat ni Chairman Guevarra sa kanyang pitong masisipag at aktibong mga Brgy Kagawad kasama si Kagawad Edgar Velasco ng Peace and Order at ang ilan sa mga Brgy Tanod na tumulong at sumuporta upang maging maayos at matagumpay ang isinagawang Community Pantry.
Bakas naman ang kasiyahan sa mga nakatanggap mula sa Pook ni Remedios Community Pantry dahil ang mga sumusunod ay kanilang naiuwi sa kanilang mga pamilya:
✅Alcohol and Face Mask
✅Grocery items
✅Eggs and Candies
✅Fresh fruits and vegetables
✅Frozen foods
✅Grocery
✅Bread and pastries
No comments:
Post a Comment