Saturday, June 12, 2021

Kaso ng COVID-19 sa Laguna, hindi pa rin bumababa

Ayon kay Provincial Health officer Dr. Rene Bagamasbad, halos 2 buwan nang hindi bumababa sa 4,000 ang bilang ng active COVID-19 cases sa Laguna.

Samantala, sa panayam ng DZMM sa opisyal, naglalaro sa 200 hanggang 300 kada araw ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso na naitatala sa probinsiya.

Sa higit 4,000 active cases, 80 porsiyento nito ay galing sa mga lungsod ng Biñan, Cabuyao, Calamba, San Pablo, San Pedro, at Santa Rosa, ayon kay Bagamasbad.

Pinakamarami umano ang Calamba na may 1,700 kaso.

Tingin ng doktor, isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang COVID-19 cases sa Calamba ay dahil sa pagluwag sa quarantine restrictions.


Kung kaya't inirekomenda ni Dr Rene Bagamasbad, provincial health officer, ang mas malawak na contact tracing sa mga komunidad upang matukoy ang mga may sakit ng Covid19 at madala sa mga qurantine facilities.

Ayon pa sa opisyal, mabilis ang pagtaas ng Covid19 cases dahil sa paggalaw ng mga APOR na maaring makapanghawa pag-uwi sa kanilang bahay.

Dagdag nya, mababa ang utilization ng quarantine facilities dahil karamihan ay naka-home quarantine.

No comments:

Post a Comment