Saturday, June 26, 2021

Pagsasanay ng mga miyembro ng Provincial Mobile Patrol Unit, pormal nang binuksan sa Batangas PPO

Pormal nang binuksan ang labing-anim na araw na pagsasanay ng mga miyembro ng bagong buong Provincial Mobile Patrol Unit (PMPU) sa Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Acting Provincial Director PCOL GLICERIO C CANSILAO.

Dinaluhan ang nasabing Opening Ceremony ni Hon. Mario Vittorio “Marvey” A. Mariño, Representative, 5th District of Batangas bilang panauhin. Ipinahayag ni Cong, Mariño sampo ng kanyang mga kasama sa pamahalaan ng Lungsod ng Batangas ang kanilang taos pusong pasasalamat sa kapulisan ng Batangas PPO sa pagtayo bilang mga frontliners at patuloy na naglilingkod sa gitna ng higit 2 taong pandemya. Aniya, ang pagiging handa ay malaking bagay upang maisakatuparan ang hinahangad na layunin kung paano mapoprotektahan ang komunidad. At bilang isang yunit hinikayat niya ang bawat isa na magkaroon ng teamwork sapagkat ito ang susi upang marating yung goal na hinahangad natin. Ipinahayag din niya ang pagbibigay ng tulong at suporta sa kapulisan ng Batangas. 

Ang PMPU ay binubuo ng 21 PNP personnel mula sa 1st at 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company. Layunin ng pagsasanay na ito ang matutunan ng bawat miyembro, bilang karagdagang pwersa sa local police, ang mga stratehiya sa crime prevention lalo’t higit ang mga stratehiya ng mabilisang pagtugon o pag responde sa mga sitwasyong pang emergency.

"Malaki ang maitutulong ng pagsasanay na ito dahil magiging handa ang bawat miyembro ng yunit sa tungkulin na iniatang sa kanilang mga balikat bilang Provincial Mobile Patrol Unit. Dito ay masisiguro ang tama at wastong pagkilos sa oras na sila ay kailanganin ng ating local police stations”. –PCOL CANSILAO. ###piobatangasppo

No comments:

Post a Comment