Saturday, June 12, 2021

League of Municipalilties of the Philippines-Batangas Chapter, Nagkaloob ng Apat na NMAX Motocycle para sa Kapulisan ng Batangas

Apat na bagong unit ng Yamaha NMAX na motosiklo ang ipinagkaloob  sa Batangas Police Provincial Office sa pangunguna ni Hon. Valentino “Ben” Raz Patron, Executive Vice-President for Special Concern, League of Municipalities of the Philippines-National, President LMP-Batangas Chapter. Taos pusong tinanggap  ang  mga nasabing bagong motorsiklo ni BPPO Acting Provincial Director, PCOL GLICERIO C CANSILAO  sa katatapos lamang na Turn-Over Ceremony ganap na 10:20 kahapon ng umaga, June 11, 2021 sa Camp Miguel C Malvar, Brgy Kumintang Ilaya Batangas City.

Ayon kay Mayor Patron, ang ipinagkaloob ng bagong motorsiklo ay malaking bahagi ng tulong sa mga kapulisan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan ng Batangas lalo’t higit sa pagtugon sa kriminalidad at bilang pagsuporta sa adhikain ng Provincial Director na palakasin ang mga kapulisan sa larangan ng pagpapatupad ng kanilang tungkulin, lalong-lalo na sa pagpapalaganap ng peace and order para siguraduhin ang kaligtasan at kaayusan ng mamamayan sa probinsya ng Batangas.

Ang tanging hiling lamang ng Alkalde ay alagaang mabuti at ariing sarili ang mga nasabing motorsiklo. Aniya, “Kapag iyong aariing sarili, tiyak maalagaang mabuti”.

Samantala, dumalo din sa nasabing seremonya  sina, Hon Cristeta C Reyes,  Alkalde ng Malvar at  Ms. Charisma Allillo, butihing may bahay ni Mayor Eulalio Allillo ng Lemery. Ang mga nasabing alkalde ay siyang nagdonate ng tig-iisang NMAX, kasabay ng kay Mayor Patron at ang pang-apat  ay mula sa pondo ng LMP-Batangas Chapter.

“Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga punong bayan sa buong lalawigan ng Batangas sa pagpapakita ng kahalagahan o importansya sa ating  kapulisan at pagsuporta  sa lahat ng mga programa ng Batangas Police Provincial Office. Makakaasa po kayo na  ang inyong mga pinagkaloob ay gagamitin para masigurado ang kaayusan at katahimikan ng mamamayan ng buong Batangas ”. – PCOL CANSILAO. ###piobatangasppo

No comments:

Post a Comment