Ang Police Regional Office CALABARZON ay nakikiisa sa Pagdiriwang ng ika- ika-123 Araw ng Kalayaan na may temang, "Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan," ngayong ika-12 ng Hunyo, 2021 sa Camp BGEN Vicente P Lim, Calamba City.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagbigay ng maikling mensahe si PBGEN Eliseo DC Cruz. "Bilang mga alagad ng batas, inaasahan kong patuloy nating gampanan ang ating sinumpaang tungkulin na maglingkod ng tapat, at bantayan ang mamamayang Pilipino. Pangalagaan ang ating kalayaan sa pamamagitan ng pag-galang sa karapatan ng bawat tao. Ngayong araw, ipagmalaki nating tayo ay mga Pilipino, sabay sabay nating isa-puso ang kahulugan ng Kalayaan at Kasarinlan," sinabi nito.
Matapos ang kanyang mensahe ay binasa naman nito ang mensahe ng Hepe ng Pambansang Pulisya, PGEN Guillermo Lorenzo T Eleazar.
Ang aktibidad ay sinundan ng pagpapalipad ng kalapati bilang simbolo ng isang malayang bansa.
No comments:
Post a Comment