Cabuyao City- Sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao (PESO at CCLDO Cabuyao) kasama si Mayor Mel Gecolea, pormal na binuksan kahapon ang Meat Processing Center para sa CabueƱos Transport Cooperative sa lunsod na ito.
Ngayong panahon ng pandemya ay lubos na naapektuhan ang sektor ng transportasyon lalo’t higit ang mga drivers na maliit lamang ang kinikita dahil sa ipinapatupad ng IATF na health protocols at ang ilan pa sa kanila ay hindi na nakapamasada at tumigil na ang hanapbuhay.
Sa pamamagitan ng pagbubukas ng Meet Processing Center ay matutugunan na ang pangangailangan ng mga drivers at madagdagan na ang kanilang kita upang makapg-umpisa sila at ang kanilang pamilya ng bagong negosyo na mag-aangat sa antas ng kanilang pamumuhay.
Labis naman ang pasasalamat ng mga drivers sa ahensya ng DOLE at sa Cabuyao LGU dahil sa ipinagkaloob sa kanila ang ganitong proyekto na malaking tulong umano eto higit lalo sa kanilang mga pamilya.
No comments:
Post a Comment