Wednesday, June 16, 2021

Lider ng Tinaguriang “Padura Drug Group”, Arestado sa Buy-Bust Operation

Arestado ang Lider ng tinaguriang “Padura Drug Group” na si Glenn Gilbert De Castro Padura aka Glenn, 39, may asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. Santiago, Malvar, Batangas sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng San Pascual MPS ganap na ika-3:00 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, Hunyo 16, 2021 sa nabanggit na lugar.

Nakuha kay Padura ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P65,000.00 at ang ginamit na boodle money. Ang nasabing grupo ay nag-ooperate sa ika-3 Distrito ng Batangas. Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pascual MPS ang nasabing lider at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

No comments:

Post a Comment