Kasama ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Acting Provincial Director PCOL GLICERIO C CANSILAO ang mga KKDAT President ng bawat Lungsod at Munisipalidad ng probinsya ng Batangas sa muling paglulunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Kabataan Bagani, Bagong Bayani (KBBB) program ng PNP na isinagawa kahapon araw ng Martes, Hunyo 22, 2021 sa BPPO Covered Court, Camp General Miguel C Malvar, Batangas City.
Ang nasabing programa ay dinaluhan at sinaksihan nina KKDAT PCADG Advisor Maru H Soriano, KKDAT Spokesperson Franz Liam Arabia, KKDAT Regional President Jorden Garcia, at PCADG Advisor Imad Ammar.
Samantala, nauna ng nagkaroon ng sabay-sabay na muling paglulunsad ng nasabing programa noong Hunyo 18, 2021 ang 34 City at Municipal Police Stations kasama na ang KKDAT na binuo ng 1st at 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company.
"Sa lahat po ng ating kabataan sa probinsya ng Batangas ay atin pong inaanyayahan na makilahok dito sa ating ginagawang programa na Kabataan Kontra Droga at Terorismo. Samantalahin po natin ang pagkakataong ito, ito po ang tunay na programa na magbibigay sa atin ng isang daan kung saan tayo ay makakapaglingkod ng tunay sa ating bayan”. –PCOL CANSILAO. ###piobatangasppo
No comments:
Post a Comment