Tuesday, June 22, 2021

SACLEO ng Batangas PNP ngayong Hunyo Matagumpay; Lider ng Isang Drug Group Naneutralize sa San Pascual, Batangas

Matagumpay na naisagawa ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Acting Provincial Director PCOL GLICERIO C CANSILAO ang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) noong Hunyo 15-19, 2021.

Umabot sa 278 katao, kabilang na ang lider ng tinaguriang Padura Drug Group ang mga naaresto sa nasabing operasyon. Kinilala ang lider na si Glenn Gilbert De Castro Padura aka Glenn, 39, may asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. Santiago, Malvar, Batangas sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng San Pascual MPS noong Hunyo 16, 2021. Nakuha kay Padura ang isang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P65,000.00 at ang ginamit na boodle money. Ang nasabing grupo ay nag-ooperate sa ika-3 Distrito ng Batangas.

Nasa 91 na mga drug personalities kabilang na ang nabanggit na lider ang nahuli sa mga buy-bust operations. Nasa tinatayang 110 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit kumulang P750,094.04 ang nakumpiska sa kabuuang operasyon. Samantala, umabot sa 113 katao ang huli sa anti-illegal gambling operations, samantalang labing-walo (18) katao ang nahulihan ng mga iligal na baril sa paghahain ng Search Warrant.

Sa kampanya kontra wanted persons, 56 ang nahuli sa bisa ng mga warrant of arrests; apat (4) rito ay mga tinaguriang Most Wanted Persons-Regional Level, limang (5) MWP-Provincial Level, at labintatlong (13) MWP-City/Municipal Level.

“Ang mga impormasyon at patuloy nyo pong suporta sa ating kapulisan ay malaking tulong upang maging matagumpay ang layunin nating masugpo ang kriminalidad at managot sa batas ang mga may maling gawi.” - PCOL CANSILAO. ###piobatangasppo

No comments:

Post a Comment