Friday, June 18, 2021

Bayan ng Bay, inilunsad ang ‘House-to-House Assisted Online Registration Project’

Inilunsad kamakailan ng lokal na pamahalaan ng Bay sa lalawigan ng Laguna ang kanilang ‘House-to-House Assisted Online Registration Project’ upang matulungan ang mga mamamayan na makapagparehistro para sa kanilang COVID-19 vaccination program. 

Sa tulong ng mga Barangay Health Worker (BHW), Sangguniang Kabataan (SK), miyembro ng Sangguniang Bayan at ilang mga youth volunteer, layunin ng proyekto na hikayatin ang mga residente na magpabakuna laban sa naturang sakit. 

No comments:

Post a Comment