Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at MPCALA Holdings Inc. (MHI) ang pagbubukas kaninang umaga August 24, 2021 ng ika-apat na bahagi ng 45-kilometer Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ang Silang East Interchange. Sa pagbubukas nito, ang kabuuang operational segment ng CALAX ay magiging 14.24-km mula sa dating 10-km.
Ang 45-km CALAX ay isang P56-bilyon road infrastructure project na iginawad ng DPWH sa MHI, isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC). Ito ay isang high-speed road network na magkokonekta sa dalawang probinsya ng Cavite at Laguna. Tinatayang nasa 45,000 motorista ang maseserbisyuhan nito sa oras na ito ay makumpleto.
Ang inaugural ceremony para sa pagbubukas ng Silang East Interchange ay pinangunahan ni DPWH Secretary Mark A. Villar at dinaluhan ng mga sumusunod na personalidad: Senator Bong Go, Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade, Executive Secretary Salvador Medialdea, Cavite Governor Jonvic Remulla, at Mayor Corazon.
No comments:
Post a Comment