Tatlumpu’t isang PWDs at Senior Citizens na mga residente ng Kumintang Ilaya, Batangas City ang nakatanggap ng food packs na tulong mula sa programang11 “BARANGAYanihan” sa Panahon ng Pandemya ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Acting Provincial Director PCOL GLICERIO C CANSILAO katuwang ang Silver Peak Group of Companies (SPGCF) na pinangungunahan ni Mr. Iñigo P Bondad, Managing Director at kapulisan mula sa Family, Juvenile and Gender and Development (FJGAD) ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD).
Samantala, dalawang PWDs naman ang mapalad na pinagkalooban ng wheel chair na sina Mr. Rafael Divinagracia at Ms. Matea Andal kung saan masisilayan ang saya sa kanilang mga mukha matapos matanggap ang mga nabanggit tulong.
Kasama sa mga dumalo sa nasabing programa sina Pastor Mark Anthony Valdivia, Advisory Council Member of Batangas City at Brgy. Captain Aniceto De Castro.
Bilang bahagi ng programa nagbigay naman ng kaunting kaalaman si PMAJ MA. VERGINIA FORMANES, Team Leader, ELCAC-RCADD patungkol sa probisyon at layunin ng E.O. 70.
“Tuloy-tuloy po ang isinasagawa nating “Barangayanihan” upang patuloy po naming maiparating sa inyo ang aming malasakit at masabing buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa ating mga kababayan. Lubos po ang pasasalamat ng Batangas PPO sa mga sumuporta upang mabuo ang programang ito”.- PCOL CANSILAO. ###piobatangasppo
No comments:
Post a Comment