Dahil sa CCTV camera, dalawang security guard at isang negosyante ang naaresto sa lungsod ng Calamba noong araw ng Martes, Agosto 10 dahilan sa pagnanakaw ng Limampu't dalawang sako ng bigas na nagkakahalaga ng P150,000.00.
Ang nasabing mga bigas ay nakalaan para sa iba't-ibang grupo ng mga kooperatiba sa lungsod ng Calamba at sa mga residenteng mahihirap na pamilya.
Nakilala ang tatlong suspek na sina Adonis Apalla, 33 anyos at Freddie Basejan, 35 anyos na nahuli sa Barangay Parian at kasalukuyan nang nakakulong ngayon sa Calamba City Jail.
Samantala, ang negosyante na nakabili ng nabanggit na nakaw na bigas at nahuli sa Brgy Real ay nakilala sa pangalang Raymund Bernal.
Si Bernal ay kinasuhan sa kasong paglabag ng Anti-Fencing Law habang sina Apalla at Basejan naman ay kinasuhan sa kasong pagnanakaw.
Ayon sa imbestigasyon, nakita sa kuha ng Closed-circuit television camera (CCTV) ang dalawang security guards habang kinukuha ang sako-sakong bigas na naka imbak sa harap ng Cooperatives and Livelihood Development Office sa City Hall noong Agosto. 4, 5 and 9.
No comments:
Post a Comment