Inaresto ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO, Criminal Investigation and Detection Team (CIDT)-Batangas at Balayan MPS ang isang mangingisda na wanted dahil sa kasong Frustrated Murder sa Brgy. District 1, Balayan, Batangas noong Agosto 10, 2021.
Kinilala ang suspek na si Francisco Serrano y Mendoza, 41 taon, mangingisda, at residente ng nabanggit na lugar. Siya ay tinaguriang Top 6 Most Wanted Person Provincial Level ng Batangas PPO.
Inaresto si Serrano sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Carolina F. De Jesus, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 9 ng Balayan, Batangas na may petsang September 1, 2020 para sa kasong Frustrated Murder na may kaukulang piyansa na Php200,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya PIU, Batangas PPO ang suspek at nakatakdang iharap sa korte para sa kaukulang disposisyon.
“An2o mang pong impormasyon ang makakatulong sa ating kapulisan upang mahuli ang mga nagtatago sa batas ay agad lamang po ninyong iparating sa kinauukulan. Sa atin pong mga mamamayan, salamat po sa patuloy na pagsuporta sa ating kapulisan.” - PCOL CANSILAO. ###piobatangasppo
No comments:
Post a Comment