Isang programa na layong matulungan ang mga maliliit na negosyo sa region IV-A at V ang inilunsad ng DTI ngayong July 15, 2021 na ginanap sa Junction, Wisdom Avenue, Cor. knowledge avenue, Calamba City, Laguna
"Nanawagan po tayo sa ating mga kababayan na malalapit lang dto sa Calamba na kung maaari po ay tangkilikin natin ang mga produkto ng ating mga maliliit na negosyante na nakilahok po dito sa Bagsakan event". Ito ang naging panawagan ni DTI Trade and promotion Usec Abdulgani M. Macatoman sa kanyang pagbisita sa nasabing programa.
Ayon pa kay Usec Macatoman, ngayong taon ay pang 23rd edition na na isinasagawa etong Bagsakan Trade Fair ng DTI at malaking tulong umano ito sa mga maliliit na mga negosyante lalo na sa ganitong mga panahon na ang ilan sa kanila ay nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. "Sila etong tinatawag nating mga "Economic Hero" dahil tumutulong ang mga ito upang mapa-angat ang ating ekonomiya", dagdag pa niya.
Pinasalamatan naman ni Usec Macatoman ang Managing Director ng Carmelray Group of Companies na si Maria Rosario Yulo-Ng, kung saan ginawang venue ng Bagsakan Trade Fair ang Calmelray
at ibinigay ng libre ang pwesto sa mga kuwalipikadong SMEs na nagnanais na mag tinda ng kanilang mga produkto.
Ayon naman kay DTI Laguna Regional Director Clarke Nebrao na maraming programa mula sa tanggapan ng DTI Regional Operations Group ang maibibigay para sa mga gustong sumali sa kanilang event tulad na lamang ng product packaging, NRV sa mga ingredients at iba pa. Aniya, kung titingnan ang mga produkto pagdating sa Bagsakan ay magaganda na ang packaging nito at ito ay mukha nang pang world class.
Ilan sa mga rehistradong SMEs na nakilahok sa 3-day event (July 15-17) ay mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Sorsogon.
Samantala, makikita naman sa nasabing Bagsakan Trade Fair ang mga produkto na binebenta sa murang halaga gaya ng processed foods, dried fish, sweet delicacies, health and wellness products, handmade at colorful woven shoes, bags, floor mat, face masks, halaman, mga sariwang gulay, prutas at iba pa.### (Ana Marie F. Demerin)
No comments:
Post a Comment