Wednesday, September 1, 2021

Pook ni Remedios Community Pantry, patuloy sa pamamahagi ng tulong

Patuloy sa pamamahagi ng tulong ang Pook ni Remedios Community Pantry na ginanap kamakailan sa Sitio Ulik, Brgy Mabacan, Calauan, Laguna.

Ito ay dinaluhan ng mahigit 200 katao na nakatanggap ng ayuda na kinabibilangan ng mga representante ng mga Senior Citizens. Sila ay ginabayan sa ligtas na pangkalusugang pamamaraan mula sa kanilang pagdating, pagpila at pag-alis.

Ilan sa mga naging donasyon na naipamahagi ay ang bigas, tinapay, delata, kape, gatas, instant noodles, itlog, dried fish at mga proteksyon laban sa COVID-19 katulad ng alcohol at face mask.

Sa tulong ng nagtaguyod ng Pook ni Remedios organizers sa pangunguna ng dalawang masisipag at matulunging personalidad na sina Evelyn Oliveros at Ma Gracia P, Malubag, mga kalapit na barangay, at mga taong taos-pusong tumulong at naki-isa ay nairaos nang matagumpay at mapayapa ang ginanap na community pantry.

Lubos na nagpapasalamat ang mga taga-Pook ni Remedios sa patuloy na pagdagsa ng mga donasyon mula sa mga kapamilya at kaibigan. Anila, hangga't mayroong nagpapaabot ng tulong ay di sila magsasawang mamamahagi ng biyaya sa kanilang kapwa.

Ang nais lamang nila ay maging ligtas at maligaya ang lahat, at hindi makalimot sa pagdarasal, lalo na sa panahon ng Pandemya.

No comments:

Post a Comment